Sunday, December 11, 2011

Sa Pananakop ng mga Kastila

Pangalan: Reniel Matthew L. Roque

Pamagat: Ang Mga Indio sa Paningin ng mga Kastila

Degri: Komunikasyon sa Filipinohiya

Introduksyon

Sa ilalim ng mga Kastila, ang edukasyon na mayroon ang mga Pilipino ay naging limitado. Ang impluwensya ng mga prayle ay naging isang malaking kadahilanan upang maisara ang isipan ng ating mga kababayan upang maging matagumpay na tao. Nasa kamay ng mga prayle ang sistema ng edukasyong ibibigay sa ating kapwa mamamayan. Ang pamamaraan ng pagtuturo, pagpapatupad ng mga batas at regulasyon ay kapangyarihan rin ng mga prayle upang maipatupad sa bawat eskwelahang kanilang hinahawakan. Ang mga prayle ay mas binigyang pansin ang pagtuturo ng relihiyong Katoliko simula unang baitang hanggang kolehiyo. Hindi nila binigyang halaga ang pagtuturo ng matematika at siyensya sa mga Pilipino at imbes na espanyol ang ituro sa ating mga mamamayan ay latin ang itinuro. Makikita naman natin na naging isang malaking epekto ito para sa ating mga sarili. Ipinakita na sa mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal ang ang umaalingasaw na masamang intensyon ng mga Espanyol lalo na ang kapangyarihan noon ng mga prayle. Ang sanaysay na ito ay magbibigay kaalaman sa ating kapwa Pilipino na ang mga nangyari noon ay dapat mag silbing gabay para sa atin upang maiwasan na nating mangyari pa itong muli. Sa kasalukuyan ay naghihirap tayong mga Pinoy upang makamtan ang matagal na nating inaasam na kaunlaran. Ito ay makakamit lamang kung ang mga maling persepsyon sa edukasyon ay maisisiwalat at maitatama na natin agad hanggang maaga pa para matulungan nating ang susunod na henerasyon na mas makilalang Pilipino at hindi isang kolonyal na Pilipino tulad natin ngayon. 

Nilalaman

Marahil kung papansinin natin na ang pagsakop ng mga kastila sa ating bansa ang una nating makikita sa mga kasulatan na pa tungkol sa ating kasaysayan. Mahirap isipin na ito ang pinag-babasehan ng mga sulatin kahit na alam naman natin bago pa dumating ang mga kastila ay mayroon ng kasaysayang matatawag ang mga Pilipinong naninirahan sa bansa. Dahil sa kakulangan ng basehan na ukol sa ating kasaysayan, parang pinatay na rin nila ang kulturang mayroon na tayo noon at pinaniwalaan na ang pananakop ng mga Kastila ang naging umpisa ng ating kasaysayan. Batay sa aking nabasang artikulo mula kay Nakpil, C. (1999), hindi naman nag-umpisa ang ating kultura at kasaysayan sa tulong ng mga Kastila dahil ayon kay Antonio Pigafetta, noong Marso 16, 1521 sa kanilang paglalayag ni Ferdinand Magellan, nakarating sila sa maliit na isla ng Homonhon kung saan sila ay nanatili para makapag-pahinga at ditto din nagpapagaling ang may mga sakit sa kanilang grupo. Dahil dito mayroon silang nakitang grupo na may siyam na tao at inilarawan ito ni Pigafetta na magaganda, malinis at napakagalang. Sila rin ay may mga suot na palamuti na gawa sa ginto at sila ay inilarawan din na mga tao na pala kaibigan at madaling makausap. Mayroon din silang nakita noong nakilala nila si Rajah Colambu na mayroong kalidad na libangan kung saan sasayawan ng apat na binibini ang rajah kasabay ng pagtugtog ng mga instrumentong Pilipino. Ibig sabihin nito bago pa dumating ang mga Kastila sa ating bansa ay mayroon na tayong matatawag na sariling kultura na maaaring maisulat para sa ating kasaysayan ngunit ang tanging suliranin na nakita ay walang mga sulatin na naisulat upang mapatunayan ito. 

Sa pagdating ng mga Kastila sa ating bansa, hindi ginusto ng ating mga kababayan na sila ay magpasakop. Halimbawa na lamang nito ay ang magiting na pakikipaglaban ni Rajah Lapu-Lapu sa mga Kastila lalo na sa itinuturing na pinakamagaling na maglalayag sa lahat na si Ferdinand Magellan. Naging isang mahirap at madugong pakikipaglaban ang naganap sa pagitan ng mga Pilipino at Kastila ngunit mayroong nangibabaw at tuluyang nakahawak ng kontrol. Sa pagdating ni Miguel Lopez de Legazpi naging opisyal na ang pamumuno ng mga kastila ating bansa simula noong 1565. Sa taon ring ito ay nakuha ng mga Kastila ang unang pag mamay-ari ng mga lupain sa Cebu (Ambrosio 2001). Nag umpisa rin ang lalong pagkalat ng Katolisismo sa ating bansa na naging sanhi ng isang malaking epekto sa ating pamumuhay halimbawa na lamang nito ay ang pagtatago sa kaharihan ng reyna ng munting imahe ng batang Hesus o Santo Nino (Nakpil 1999). 

Ayon sa artikulong aking nabasa sa Wikipedia noong Nobyembre 6, 2011, sa ilalim ng pamamahala ng mga Kastila, nakita naman natin kung gaano naging isang malaking impluwensya ng relihiyon noong panahon na iyon. Sa pagpapatupad ng mga prayle bilang sila ang masasabi mong instrumento ng panginoon upang matulungan ang mga tao ngunit ang nangyari noong panahon natin ay ang umaalingasaw na diskriminasyon laban sa ating mga Pilipino. Binigyan nila tayo ng limitasyong magbibigay sa atin ng isang malaking kakulangan sa edukasyon. Isa na lamang dito ang sinabi sa artikulong nabasa ko mula sa Tabonwoman (2009) ay ang mag paprioridad ng pagtuturo ng relihiyon sa mga Pilipino kaysa bigyan din tayo ng kaalaman na kapantay ng edukasyong nakukuha ng mga Kastila sa ating bansa. Naging isang maswerteng Pilipino si Dr. Jose Rizal dahil siya ay nakapagtapos ng pag-aaral sa iba’t ibang unibersidad at iba’t-ibang kurso rin. Itinuturing din natin na pambansang bayani si Rizal dahil sa mga naiambag niya sa ating bansa at dahil na rin sa pagmamahal niya sa bayan. Sa mga nasulat ni Rizal na nobela, Noli Me Tangere at El Filibusterismo mas inilantad niya ang mga nangyayari sa kanilang bansa noon upang mapakita at mabuksan ang isipan ng kanyang mga kababayan.Sa kabanata 5 ng Noli Me Tangere, makikita natin dun ang pag tatalakay sa isang lalaking nag ngangalang Bernardo Carpio. Sino ba siyang talaga? Isa itong alamat kung saan, si Bernardo Carpio ay isang tao na may anking kalakasan ngunit naipit siya at hindi makaalis sa pagkakaipit. Ipinakita ni Rizal na, Ang pag asa ng lipunan natin ay parang si Bernardo Carpio, malakas ngunit kalian pa susulong o lalabas na magsisilbing isang malakaing pagbabago para sa ating bansa. Kung inyong babasahin naman ang kabanata 14 ng El Filibusterismo, ipinapakita dito na gusto sana ng iilang estudyante na makapagpatayo ng isang akademya para sa wikang espanyol upang sila ay makaintindi at makasabay sa mga kastila. Ngunit anu ba ang ginawa nila? Hinadlangan nila ito at hindi inaprubahan dahil nga bakit ba naman nila gugustuhin magkaroon ng kaalaman ang mga Pilipino batay sa kanilang mga pansariling adhikain, mas gusto nila na manatili tayong walang alam sa kanilang paligid at mapakita na mas mababang tao tayo at sila ang mas nakakataas. Dito pa lamang makikita natin na, tama ang nasulat ni Rizal, tayong mga Pilipino ay gusting makipag-sabayan sa mga Kastila ngunit tayo ay hindi nabigyan ng pagkakataon dahil tulad ni Rizal, siya ay dumanas ng malupit na pagkakamatay sa ilalim ng impluwensya ng mga prayle sa Gobernador Heneral na ipinakita rin sa pelikulang ginanapan ni Cesar Montano. Sa ahhikain ni Rizal, tayo ay nabuhayan, lumaban at bumo ng samahan ang mga Pilipino upang makamit ang hinahangad na kalayaan. Lumaganap sa bansa ang KKK o Kataastaasan Kagalanggalangan Katipunan ng anak ng bayan upang ipakita ang bagong pag-asang maaring makamit ng mga Pilipino para sa kalayaan. Maihahambing ko si Bonifacio kay Lapu-Lapu sa kadahilan na sila ay isang naging instrument upang makamit ang hinahangad na katarungan at kapayapaan para sa minamahal na bansa. Noong natapos ang pagsakop ng mga Kastila, napalitan naman ito ng mga Amerikano na tila sa aking palagay, bakit nga ba tayo ay nagtwalang muli sa mga dayuhan, na parang hindi pa ba tayo nadala sa naidulot ng mga Kastila sa ating bansa? Ngunit kung hindi man natin sila tinanggap ay malamang sila naman ay isang magiging mabigat pa lalong suliranin dahil sa natamasa na nitong kaunlaran batay sa teknolohiya at gobyerno na masasabi na nating nasubukan na hindi tulad ng ating bansa noon na magsisimula pa lamang muli ng bagong buhay. 

Ayon sa paksa na isinulat ni Rizal, hindi naman dahil sa katamaran ng mga Pilipino kung bakit hindi naging maunlad ang ating bansa sa larangan ng edukasyon noong panahon nila. Ito ay dahil sa pag-aabuso sa atin, sa kalakasan ng mga espanyol upang tayo ay mabago ng tuluyan tulad na lamang ng halimbawa ng mga Pilipino noong wala pa ang mga Kastila. Sila ay maunlad, sila ay masipag, sila ay mayroong kulturang sinusunod. Mayaman sila dahil sa pangangalakal at agrikultura. Napakatalino ng mga Pilipino tulad ng ipinamalas ni Lapu-Lapu at ni Rizal. Kaya aking masasabi na kung gugustuhin natin ng pagbabago, hindi ito makakamtan kung tayo ay mananatiling tulog sa katotohanan. Sa pagkagising ng mga Pilipino mag-uumpisa ang tunay na hangarin at kalayaan. Sa pagkakasakop ng ating bansa, tayo ay tatayo, tayo ay babangon, imulat na natin an gating mga mata para sa isang maunlad na hangarin. Tayo ay hindi lamang pa handa dahil sarado pa ang ating isipan at tila tayo ay nasailalim pa rin ng ibang bansa kahit na sa kasalukuyan ay malaya na tayo. Kaya nga tayo mayroong kasaysayan upang maging isang gabay para sa ating mga tao maiwasan ang parehas na pagkakamali. Kaya tayo, isipin natin ang kapakanan ng bawat isang Pilipino sa bansa hindi para sa sarili lang natin. Umpisahan natin sa pagbabahagi ng kaalaman at tsaka natin ito paunlarin upang maging susi ng magandang kinabukasan at pagbabago ng ating bansa. 

Konklusyon

Nag simula tayo sa isang maunlad na pamumuhay. Sagana sa agrikultura at naging maunlad ng dahil sa pangangalakal at agrikultura. Ngunit ng dahil sa isang pangyayari, nagbago ang lahat ng ito. Ang isang pangyayari sa buhay nating mga Pilipino ay makakapagbago ng isang henerasyon. Sa pagdating ng mga kastila ay makikita natin na nabago ng tuluyan ang unang mga Pilipino ng dahil sa karahasan at pagiging alipin dito. Ngunit may pag-asa pa dahil narito pa tayong mga kabataan na maaaring maging isang solusyon upang mabago pa natin ang ating bansa. Mabago ito upang maging isang kilalang maunlad na bansa at mayroon ng sariling identidad na sa ngayon ay konti pa lamang ang mulat. Sa pagmumulat sa lahat ng kabataan ukol sa paksang ito ay mabibigyan natin ng tunay na pagpapahalaga ang mga ginawang pagtatanggol ng ating mga bayani para sa ating bansa.Ito ang dapat at ito ang magiging solusyon para sa panibagong Pilipinas na ating minimithi. 

Talasanggunian

Ambrosio, D. (2001). The Philippines Under Spanish Period, pp.17-26. Kasaysay, The Story of the Filipino People.

Ambrosio, D. (2001). The Secularization Movement, pp.39-42. Kasaysay, The Story of the Filipino People.

Andrade, Pio (2001). Educational and Spanish in the Philippines. Nabuksan noong Nobyembre 6, 2011, mula sa http://www.galeondemanila.org/index.php/component/content/article/36/112

Del Pilar, M. (1979). Article IV The Influence of Friar to the Filipinos, pp. 33-37. Frailocracy in the Philippines.

Del Pilar, M. (1979). Article V Our Indications, pp. 38-43. Frailocracy in the Philippines.

E-Travel Pilipinas (n.d.). Education during the Spanish Regime and Its Colonial Effects to the Filipinos. Nabuksan noong Nobyembre 6, 2011, mula sa http://www.etravelpilipinas.com/about_philippines/Education_during_the_Spanish_Regime.htm

E-Travel Pilipinas (n.d.). Education during the Spanish Regime and Its Colonial Effects to the Filipinos. Nabuksan noong Nobyembre 6, 2011, mula sa http://www.etravelpilipinas.com/about_philippines/philippine_education.htm

Nery, J. (2011). Chapter 2 – The Very Soul of Rebellion. Revolutionary Spirit.

Riol, A. (1980). Introduction, pp1-10. A Friar’s Account of the Philippine Revolution in Bicol.

Rizal, J. at isinalin ni Guerrero, L. (1986). Chapter 3 – Legends. El Filibusterismo.

Rizal, J. at isinalin ni Guerrero, L. (1986). Chapter 15 – Mr. Pasta. El Filibusterismo.

Rizal, J. at isinalin ni Guerrero, L. (1986). Chapter 20 – The Arbitrator. El Filibusterismo.

Rizal, J. at isinalin ni Guerrero, L. (1986). Chapter 27 – The Friar and the Filipino. El Filibusterismo.

Rizal, J. (1986). Chapter 5 – Ang Noche Buena ng Isang Kutsero. El Filibusterismo. Nabuksan noong Nobyembre 6, 2011, mula sa

http://www.joserizal.ph/fi07.html



Tabonwoman (2009). Educational System. Nabuksan noong Nobyembre 6, 2011, mula sa http://tabonwoman.blogspot.com/2009/05/spanish-period.html

Veloso, A. (2010). Religion and Education, p.35. Fil-Hispanic Classics.

Wikipedia (2011). Sapnish Period. Nabuksan noong Nobyembre 6, 2011, mula sa http://en.wikipedia.org/wiki/Education_in_the_Philippines

No comments:

Post a Comment

Post a Comment